Wednesday, February 19, 2020

LGU Bayambang Jan-Feb 2020 Accomplishments

                                            PUBLIC INFORMATION/MEDIA AFFAIRS OFFICE

LGU-Bayambang Accomplishments for January-February 2020

GOOD GOVERNANCE

•    Workshop to Harmonize LGU Plans for Effective Monitoring and Evaluation
Ang Municipal Planning and Development Office at ang Information and Communications Technology Office ay nagsagawa ng three-day workshop upang mapag-isa at mapalakas ang iba't ibang mga plano sa pagpapaunlad ng LGU, at matiyak na ang mga ito ay magkaroon ng magandang resulta sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor sa mga ito. Ang unang bahagi ay tumalakay sa pag-uugnay at pagsasama ng results-based monitoring and evaluation sa planning processes, habang ang pangalawang bahagi naman ay tungkol sa pagbuo ng isang Information Systems Strategic Plan. Ang nasabing workshop ay ginanap noong February 10 hanggang 12 sa Royal Mall.

•    Updating of Citizen’s Charter as per Ease of Doing Business Law

PARTICIPATORY GOVERNANCE

•    Municipal Association of Non-Governmental Organizations, Binuo
Isang grupo ng mga NGOs – ang Municipal Association of Non-Governmental Organizations in Bayambang o MANGO – ang binuo kamakailan bilang paraan upang magkaisa ang mga asosasyon sa bayan. Ang mga hinalal na opisyal nito ay nanumpa sa harap ng mga opisyal ng LGU-Bayambang matapos ang flag ceremony noong January 13 sa Events Center.

HUMAN RESOURCE MANAGEMENT

•    LGU Wellness Program with KKSBFI Zumba Instructors
Tuluy-tuloy ang Wellness Program para sa mga LGU employees, at sa pagkakataong ito ay kasama ang mga certified Zumba instructors mula sa Kasama Kita sa Barangay Foundation. Inaanyayahan ang iba pang interesadong empleyado na sumali sa programa upang maging malusog at masigla sa pangangatawan at mas epektibo sa pagbibigay-lingkod sa bayan.

•    LGU, Lumagda sa MOA para sa GSIS Loan Refinancing Program for LGU Employees
Noong January 22 ay lumagda si Mayor Cezar T. Quiambao ng isang Memorandum of Agreement kasama ang Government Service Insurance System para sa implementasyon ng GSIS Financial Assistance Program o GFAL II Program nito sa LGU. Layunin ng GFAL na magbigay ng affordable loan package sa mga empleyado ng munisipyo na GSIS members sa pamamagitan ng pag-refinance ng outstanding loans ng mga empleyado sa ibang ahensya o pribadong kumpanya.

•    HRMO Orientation para sa JOs
Nag-organisa ng isang orientation program ang Human Resource Management Office para sa mga empleyado ng munisipyo, partikular na sa mga bagong Job Order employees noong February 24 sa Events Center. Ito ay upang masiguro na ang bawat kawani ng gobyerno ay magkaroon ng malinaw na pang-unawa sa sakop ng kani-kanilang mga tungkulin at kung paano ito gagawin ng may responsibilidad, integridad, at pamumuhay na nagbibigay prayoridad sa pampublikong interes kaysa sa personal na interes. Layunin din nito na maipaliwanag sa lahat ang vision and mission at goals and objectives pati na rin ang rules and regulations ng LGU Bayambang.

TAX INFORMATION CAMPAIGN

•    Assessor's Office, Naglibot sa mga Barangay para sa Tax Info Campaign, Land Appraisal; Magsaysay Homeowners Association, Inorganisa
Naglibot ang Assessor's Office sa mga barangay upang ipaliwanag sa mga residente ang batas tungkol sa pagbabayad ng amilyar at magsagawa ng land appraisal. Isa ito sa mga paraan ng opisina para mapataas ang tax collection na ginagamit sa iba’t ibang proyekto ng bayan. Pinulong ng Assessor's Office ang mga residente ng Magsaysay property ng Munisipyo sa Magsaysay Barangay Hall upang pag-usapan ang pag-oorganisa sa kanila bilang isang homeowners association at paghalal ng kanilang mga opisyal.

HEALTH SERVICES

•    PMAC Leads Medical Mission/“Para Kang Nagpagamot sa Amerika”
Mula January 28 hanggang January 31, isa na namang medical mission ang naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga pasyente sa Bayambang, salamat sa inisyatibo ni Mayor Cezar Quiambao at kanyang maybahay na si Niña Quiambao, at sa pakikipagtulungan ng Philippine Medical Association in Chicago (PMAC) at iba pang grupo. Ito ay at ginanap sa Balon Bayambang Events Center at sa Bayambang District Hospital. Ang delegasyon ng PMAC ay pinamunuan ni Dr. Dionisio Yorro Jr. at ni Dr. Zita Yorro na lola ni Bayambang First Lady Niña Jose-Quiambao. Ang medical mission na ito ang may pinakamalawak na hatid na mga serbisyo, at ito ay kinabibilangan ng mga minor at major surgical procedures, kasama na ang dental at ophthalmic surgery, bukod pa sa general medical check-up at pamimigay ng gamot. Lahat ng ito ay libre, at sa unang pagkakataon sa termino ng Quiambao-Sabangan administration ay nagkaroon ng libreng operasyon sa mata gaya ng squint at odontectomy o surgical removal of impacted wisdom tooth.

•    Free CME Seminar, Nilahukan ng mga Local Healthcare Practitioners
Bilang parte ng Medical/Dental/Surgical at Optical Mission na pinangunahan ng Philippine Medical Association in Chicago, naghatid ng isang libreng Continuing Medical Education Seminar ang PMAC sa tulong ng LGU-Bayambang sa Niña's Cafe noong gabi ng January 29 at 30. Ito ay nilahukan ng mga lokal na duktor, nurses, at iba pang medical at healthcare practitioners sa Bayambang.

•    Anti-Rabies Vaccination sa Reynado, Idong, Apalen, Tatarac
Noong January 21 at 24, nagsagawa ng anti-rabies vaccination si Municipal Veterinarian Dr. Joselito Rosario at ang kanyang staff sa 1-kilometer radius area mula sa Brgy. Reynado, kabilang na ang Brgy. Idong at Brgy. Apalen, bilang pag-responde sa isang dog biting incident sa Brgy. Reynado noong nakaraang taon. Nauna nang nagbakuna ang grupo ni Dr. Rosario sa ground zero noong December 2019.

•    RHU2, Naglunsad ng Buntis Party at Blood Donation Campaign 2020
Ang Rural Health Unit III, sa pamamahala ni Dra. Adrienne A. Estrada, ay nagsagawa ng “Buntis Party and Blood Donation Campaign 2020” noong January 10 sa RHU III sa Brgy. Carungay. Ito na dinaluhan ng humigit kumulang sa limampung buntis na nagmula sa Brgy. Carungay, Pangdel, Apalen, Tatarac, Inirangan at Reynado.

•    U4U/Teen Trail Seminar, Dinala sa Iba't-Ibang High School
Nagsagawa ng isa na namang edisyon ng Youth-4-You (U4U) Facilitator’s Training at Teen Trail Seminar sa iba't-ibang high school upang ipalaganap doon ang responsableng pananaw tungkol sa seksuwalidad at upang maiwasan ang teenage pregnancy at sexually transmitted diseases sa kabataan.
Ito ay isang inisyatibo ni Local Youth Development Officer Johnson Abalos at ng Population Commission na sinusuportahan ng Quiambao-Sabangan administration at ilang mga SK Chairpersons at SK Kagawad sa pangunguna ni SK Federation President Gabriel Fernandez.

•    Anti-Dengue Operation sa Tambac
Noong February 24, nagpunta si RHU I Sanitary Inspector Danilo Rebamontan sa Brgy. Tambac upang magsawa ng fogging, misting, at surveillance operation matapos maiulat na nagkaroon kamakailan ng dalawang kaso ng dengue sa barangay. Sa pag-inspeksyon nila sa lugar, nakita nilang kinailangang linisin ang mga stagnant na tubig na siyang pinamumugaran ng mapaminsalang lamok.

•    "Healthy Young Ones," Muling Inilunsad ng RHU 1
Muling binuhay ng RHU I ang ‘Healthy Young Ones’ project nito sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga health lecture sa iba’t ibang eskwelahan ng Bayambang sa loob ng isang linggo. Sinimulan ito noong February13 sa Sanlibo National High School. Ang mga tagapakinig ay mga estudyante mula Grade 9 hanggang Grade 10. Nakasentro ang mga usapin tungkol sa Mental Health, Drug Abuse, HIV-AIDS, STI, COVID-19, SOGIE Bill, Nutrition at Oral Health. Sa bandang hapon naman, tinalakay ang tungkol sa proper parenting, at ito ay ginanap sa Sanlibo Barangay Hall. Sa sumunod na linggo ay nagtungo sila sa Tanolong National High School, A.P. Guevara Integrated School, at Tococ National High School.

•    Proper Parenting Seminar, Dinala sa Ibang Barangay
Ang Proper Parenting Seminar naman ay ineschedule sa M.H. Del Pilar Barangay Hall noong February 26, Manambong Evacuation Center at Bongato East noong February 27, at Amanperez at Asin noong February 28. Sa seminar na ito nagpamahagi ng mga kaalaman para sa mga magulang kung paano magagabayan ang kanilang mga anak upang sila ay lumaki ng malusog at masigla.

•    Blood Donation Drive sa Batangcaoa
Noong February 21, isang Mobile Blood Donation Drive ang ginanap sa Brgy. Batangcaoa kung saan mayroong 28 blood units ang nakolekta. Malaking tulong ang programang ito upang magkaroon ng nakahangang dugo sa panahon ng pangangailangan.

•    Iwas COVID-19
Noong nakaraang lingo naman ay nagpamahagi ng mga information and education materials sa iba’t ibang mga establisyemento sa Bayambang bilang parte ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na panatilihing COVID-free ang bayan. Ito ay pinangunahan ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office sa pangunguna ni Supervising Tourism Officer Rafael Saygo.

LIVELIHOOD SERVICES

•    ANCOP Ville Meat Processing Facility, Pinasinayaan
Noong February 17, pinasinayaan ni Mayor Cezar Quiambao ang bagong pasilidad para sa Meat Processing sa ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis. Sa bagong-tayong meat processing facility, mayroon nang adisyunal na source livelihood ang mga taga-ANCOP Ville.

EMPLOYMENT SERVICES

•    Bayambang, Nakipag-MOA para sa BaLinkBayan Online Portal
Noong January 13 rin ay lumagda sa Memorandum of Agreement ang LGU at Commission on Filipinos Overseas (CFO) para sa planong pagtatalaga ng BaLinkBayan online portal ng naturang ahensya sa bayan ng Bayambang. Layunin ng online portal na ito na maging gabay sa lahat ng Bayambangueño abroad, mapa-emigrante man o OFW, ukol sa mga impormasyong katulad ng retirement sa Pilipinas, pag-invest sa business, pagbigay ng donasyon o tulong sa mga nasalanta, at ibang OFW concerns.

LOCAL CIVIL REGISTRY SERVICES

•    Kasalang Bayan, Muling Pina-Level Up sa 2020
Sa pag-oorganisa ng Local Civil Registrar, sa ilalim ni Ismael Malicdem Jr., 103 na pares ng magkasintahan ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng isa na namang engrandeng pag-iisang dibdib sa ginanap na 2020 Kasalang Bayan sa Events Center sa mismong Araw ng mga Puso.

•    103 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation
Nagkaroon ng Pre-Marriage Orientation para sa 103 couples sa Events Center noong February 5 sa pangunguna ni Municipal Civil Registrar Ismael Malicdem Jr., kasama si Population Development Worker Alta Grace Evangelista. Ito ay isang requirement sa pagkuha ng marriage license at paraan upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapakasal at ang tungkulin ng bawat isa bilang mag-asawa. Ang mga magkasintahan ay nakatakdang mag-civil wedding sa darating na Kasalang Bayan sa February 14.

•    LCR, Ginunita ang 30th Civil Registration Month
Bilang parte ng pagdiriwang ng Civil Registration Month, naglibot sa iba’t-ibang barangay si Local Civil Registrar Ismael Malicdem Jr. at kanyang staff upang ipaalam ang kahalagahan ng civil registration sa mga kababayan. Noong February 4 at 6, ang grupo ay nagtungo sa Brgy. Buenlag 1st at Mangayao. Matapos noon ay nag-data capturing ang grupo kasama ang DSWD Pantawid Pamilya Municipal Link para magkaroon ng Community Service Card ang mga indigent na residente ng mga naturang barangay. Noong February 20-21, sila ay nagtungo sa Brgy. Ligue, Tambac, Tampog, at Warding. Sa kanilang information campaign ukol sa kahalagahan ng civil registry documents, maraming Bayambangueño ang kanilang natulungan upang mag-apply para sa late registration of birth, marriage certificate, at iba pang importanteng dokumento.

TOURISM, CULTURE AND ARTS

•    Mga Delegado ng Papal Nuncio, Bumisita sa Prayer Park
Noong February 15, bumisita ang mga delegado ni Papal Nuncio Gabrielle Giordano Caccia sa Bayambang upang masilayan ang 50.23-meter high na istatwa ng patron saint of builders sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. Ang mga panauhin ay sinamahan ni Archbishop Socrates B. Villegas at ilan pang mga representante mula sa Lingayen-Dagupan Archdiocese. Sinalubong naman sila ni Mayor Cezar T. Quiambao, Supervising Tourism Operations Officer Rafael L. Saygo, at mga staff ng Municipal Tourism and Cultural Affairs Office.

PHYSICAL FITNESS AND SPORTS DEVELOPMENT

•    2019 LGU Sportsfest Culmination Program
Noong January 23, makulay na nagtapos ang 2019 LGU Inter-Color Sportsfest sa Balon Bayambang Events Center sa pag-oorganisa ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council sa ilalim ng Executive Director na si Prof. Bernardo C. Jimenez.

OTHER SOCIAL SERVICES

•    Planning Workshop para sa Gender-Responsive Town
Muling nagsagawa ng tatlong araw na Gender and Development (GAD) Planning Workshop sa pangunguna ni MSWDO OIC Kimberly Basco sa Royal Mall noong February 26 hanggang 28. Layunin nito na i-orient at i-train ang mga kawani ng LGU na magkaroon ng epektibo at matagumpay na pagpaplano ukol sa paggasta ng GAD budget sa taong 2021 upang maging mas sensitibo sa usapin ng gender and development ang bayan ng Bayambang.

AGRICULTURAL MODERNIZATION

•    Sen. Pimentel, Popondohan ang Isang Water Depot Project sa Dusoc
Nakatakdang pondohan ng opisina ni Sen. Aquilino Pimentel III ang isang water impounding depot project sa Brgy. Dusoc. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng P15,000,000 ay malaking tulong para sa pangangailangang pang-irigasyon ng mga magsasaka sa lugar.

•    RSBSA Listing ng Farmers at Fisherfolk, Tuluy-Tuloy
Tuloy-tuloy pa rin ang RSBSA listing ng Agriculture Office para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda upang masiguro na lahat sila ay mailista at maisama sa mga opisyal na benepisyaryo ng Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Tariffication Law na naisabatas na.

INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

•    ONGOING: CFC-ANCOP Village Road Concreting
Kasalukuyang kinokonkreto ang Access Road sa CFC-ANCOP Village sa Brgy. Sancagulis sa pakikipagtulungan ng Engineering Office sa Kasama Kita sa Barangay Foundation. Isa na namang malaking tulong ito sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya program na nakatira doon.

•    Bayambang Commercial Strip
Patapos na ang 37 commercial stalls para sa Bayambang Commercial Strip Project sa St. Vincent Ferrer Parish compound.

•    Mayor CTQ Upgrades Balon Bayambang Events Center’s Stage and Sound System

ECONOMIC DEVELOPMENT

•    Depektibong Timbangan, Kumpiskado
Dalawampung depektibong timbangan ang kinumpiska ng market enforcers noong January 23 sa may Bagsakan area. Ito ay parte ng pagsisikap ng Office of the Special Economic Enterprise para masiguro na tama ang timbang ng mga pinamimili ng mga Bayambangueño.

•    Calibration ng mga Timbangan sa Palengke, Lalong Pinaigting
Ang Special Economic Enterprise ay muling nagsagawa ng free calibration ng 560 na timbangan sa Public Market noong February 20 hanggang 21. Ayon kay OIC Market Supervisor Gernalyn Santos, Layunin nitong tuluyan nang mapuksa ang mga insidente ng madadayang timbangan sa Pamilihang Bayan para sa kapakanan ng mga mamimili na nagbabayad ng sapat na halaga.

DISASTER RESILIENCE

•    Bayambang MDRRMC, Sumailalim sa ICS-2 Training
Sa pag-oorganisa ni MDRRMO head Gene Benebe, nagtungo ang Bayambang MDRRM Council, kabilang ang LGU department heads at sina Bayambang PNP Chief Marceliano Desamito Jr. at BFP Chief Raymond Palisoc, sa Lungsod ng Baguio mula February 3 hanggang February 7 upang kumuha ng Integrated Planning Course on Incident Command System sa tulong ng Office of Civil Defense at NDRRMC. Ito ay isa na namang paraan upang mas lalong mapaigting ang kahandaan ng gobyernong lokal sa pagresponde sa panahon ng sakuna.

•    Bagong Fire Truck para sa Balon Bayambang!
Tinanggap ni Mayor Cezar T. Quiambao ang isang bagong Isuzu Fire Truck mula sa opisina ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong February 11 sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kasama ni Mayor Quiambao na dumalo sa Turn-over Ceremony si SFO4 Raymond Palisoc na Chief ng Bureau of Fire Protection ng bayan. Ito ay malaking tulong sa pagresponde ng ating lokal na BFP sa mga oras ng hindi inaasahang sunog, lalo na ngayong nalalapit na ang Fire Prevention Month.

•    Orientation on 2019 nCoV
Para sa kahandaan ng bayan ng Bayambang, nagkaroon ng oryentasyon ang lahat ng kapitan ukol sa 2019 Corona Virus Disease o COVID-19 sa Sangguniang Bayan Session Hall noong February 13. Inabisuhan ni Municipal Health Officer Dr. Paz Vallo, Municipal Administrator Atty. Raymundo Bautista, at Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Genevieve Benebe ang mga kapitan ukol sa mga mga maaaring gawin para maiwasan ang pagdating ng COVID-19 sa Bayambang. Kabilang dito ang madalas na paghugas sa kamay, pag-iwas sa mga nagpapakita ng sintomas katulad ng ubo, sipon at lagnat, at tamang pagluluto ng mga pagkain.

Idinetalye ni Atty. Bautista ang pagbalangkas ng Executive Order No. 9, s. 2020, upang bumuo ng Task Force for Severe Contagious Human Diseases bilang paghahanda upang makontrol at maiwasan ang paglaganap ng nakahahawang sakit sa bayan ng Bayambang. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng bawat barangay ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT na binubuo ng mga Brgy. Tanod at BHW.

•    Bayambangueños Love Batangueños
Sa inisyatibo ni Bayambang First Lady Niña Jose-Quiambao at Local Council of Women, nagtungo sa Batangas ang mga volunteers mula LGU Bayambang at pribadong sektor sa pangunguna ng MDRRMO upang magsagawa ng relief operations para sa mga survivors ng Taal Volcano eruption. Ating panoorin ang video footage at documentation na ito.

•    CBDRRM Training of Trainers para sa MDRRMC
Noong February 17 hanggang 21, dumalo sa 5-day Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Training of Trainers ang MDRRMC staff kasama ng CDRRMO ng Alaminos City, Pangasinan sa Dagupan Village Hotel, Dagupan City, Pangasinan.
Layunin nito na matulungan sa pag-oorganisa at pagpa-plano ang 77 barangay communities sa Bayambang upang maging handa pagdating sa sakuna.

AWARDS

•    2019 DILG Seal of Good Financial Housekeeping
LGU-Bayambang makes it to the DILG's official list of passers in the 2019 Seal of Good Financial Housekeeping as of January 31, 2020.

•    PESO Bayambang, Top Performer in 3 Categories
Muling nagwagi ang PESO Bayambang ng mga parangal, sa ginanap na Regional PESO Congress 2020 sa Clark City, Pampanga, tinanggap ni Bayambang PESO Manager, Dr. Joel Cayabyab, ang mga plake para sa pagiging "top performer" ng PESO Bayambang sa tatlong kategorya. Una ay bilang Regional Winner, at pangalawa, ay bilang Winner for 1st to 2nd Class Municipalities "for having the Highest Number of Participants Covered" sa Career and Employment Coaching sa taong 2019. Ang pangatlong award ay "for having the Highest Number of Institutions Covered" sa Career and Employment Coaching sa taong 2019.