|
EVENTS COVERED
1.
RHU
Birthing Home, Accredited Na!
2.
Bagong
MPDC, Itinalaga
3.
Panukalang Ordinansa para sa Barangay OSCA
Coordinators, Dininig
4.
MDRRMO,
Nagbigay ng Basic Life Support Lecture
5.
BPC,
Naglunsad ng Trade Fair
6.
BPC,
Nagdaos ng Fun Run
7.
Tatlong Kubo, Inihatid sa mga Panibagong Benepisyaryo
8.
Problema
sa Birth Certificate ng mga Taga-Tococ East, Sinagot ng LCRO
9.
Mayor Niña, Todo-Suporta sa Atletang Bayambangueño
10. Mga
Serbisyo ng Municipio, Dinala sa Sanlibo
11. Mga OJT, Nagsanay sa First Aid
12. Clearing Operation, Isinagawa sa
Malioer
13. IEC sa
Kahandaan sa Sakuna, Isinagawa sa mga Barangay
14. Adisyunal
na Kubo, Tinanggap ng 3 Pamilya
15. Mang Inasal, Nag-Exploratory Visit sa
Bayambang
16. Bagong
Social Annex Building, Pinasinayaan
17. ‘Ausome Parents,’ Nakatanggap ng
Tulong Pinansiyal
18. 4,104
Coconut Seedlings, Ipinamahagi ng PCA sa Managos
19. Makabagong
Sistema ng Document Disposition, Tinalakay
20. MDRRMC,
Agarang Umaksyon para sa Kaligtasan ng Publiko
21. Mga
Senior Citizen, Dumalo sa Seminar ukol sa RA 9994
22. Mga Usaping IT at AI, Tinalakay sa 2nd
Quarter Meeting
23. Dayalogo
para sa Reservist Monitoring at Disaster Volunteer Corps, Isinagawa
24. Task Force Disiplina, May Bagong
Uniporme
25. Mga
Serbisyong Sibil, Dinala sa Langiran
26. 1,629 TODA Members, Tumanggap ng
₱5,000 Fuel Subsidy
27. Nalsian
Sur Talipapa Vendors, Ginabayan sa Legal na Operasyon
28. Municipal
Bonery, Nilinis
29. Top 15 Barangays sa HAPAG Project,
Sumailalim sa Validation
30. Mga
Serbisyong Sibil, Direktang Inihatid sa 3 Barangay
31. Bayambang, Nag-host ng Distinguished
Gentleman’s Ride 2026
32. Blood Drive, Nakaipon ng 32 Blood Bags
33. Search for Permanent BPC President,
Binuksan!
34. SPES
Students, Idineploy sa LGU
35. Bagong Pamunuan ng PWD Federation,
Nailuklok
36. Mga Programa, Pondo, at Development
Plans ng Bayan, Tinalakay sa MDC Meeting
37. MDRRMO,
Naglakbay-Aral sa San Roque Dam
38. Year 3 ng Search for Outstanding BNC,
Isinagawa!
39. MDRRMC, Naaalerto para sa Ligtas at
Maayos na Summer Vacation
40. Problema ng School Supply Vendors,
Agad Inaksyunan
41. Social Dance Workshop para sa mga
Empleyado ng LGU Bayambang, Nagsimula na
42. RPVARA Tax Amnesty Program, Bukas Pa
sa Taxpayers Hanggang July 5, 2026
43. LGU,
Muling Umani ng Parangal mula sa PhALGA
44. Mas
Modernong HR System, Inilunsad sa LGU sa Pamamagitan ng IHRIS
45. TODA Officers at Traffic Enforcers,
Lumahok sa Road Safety at Safe Spaces Act Seminar
46. Ballerinang Bayambangueña, Nagpamalas
ng World-Class na Performance
47. Mga
Batang Ballerina, Nagpakitang-Gilas sa Dance Recital
48. Bayanihang Bulilit, Sinimulan sa Child
Development Centers
49. ARTA, Nagsagawa ng Monitoring
Inspection sa LGU Bayambang
50. QMS Orientation at Re-Orientation para
sa mga LGU Employees, Isinagawa
51. 2nd Quarter MAC Meeting, Tinalakay ang
Updates para sa 4Ps Beneficiaries
52. COA Exit Conference, Ginanap
53. BPSO at Task Force Disiplina, Bantay
sa Kaayusan at Trapiko
54. ₱20/Kilo
na Repolyo mula Benguet, Dinumog ng mga Mamimili
55. Job Fair para sa Local at Overseas
Employment, Mayroong _ HOTS
56. KSB Year 9, Inihandog sa Brgy. Tampog
SUMMARY OF LGU
ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION
FOR ALL
- (LSB,
Library, DepEd)
BPC,
Naglunsad ng Trade Fair
Inilunsad
ng BPC ang LUMALAKO 2026, isang trade fair, upang hubugin ang mga estudyante
bilang student-enterpreneurs. Tampok ang mga seminar, product showcase, at
iba’t ibang kumpetisyon na nagpapakita ng inobasyon at kasanayan, upang
palakasin ang entrepreneurial mindset ng kabataan tungo sa pag-unlad ng lokal
na ekonomiya at pagsuporta sa mga lokal na magsasaka.
BPC,
Nagdaos ng Fun Run
Isang Color Fun Run ang isinagawa ng BPC upang magsilbing pangwakas na
aktibidad ng Lumalako Trade Fair 2026. Sa pamamagitan ng isang masaya
at non-competitive na aktibidad, pinalakas ang samahan at diwa ng paaralan
bilang isang organisasyon habang isinusulong ang kalusugan.
Mayor Niña, Todo-Suporta sa Atletang Bayambangueño
Noong May 6, tinanggap ng mga atletang Bayambangueño ang halagang ₱170,000 na
tulong pinansyal mula sa sariling bulsa ni Mayor Niña, bilang buong-pusong
suporta sa kanilang paglahok sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Agusan del
Sur mula May 24 hanggang 30. Ang nasabing halaga ay inilaan para sa kanilang
plane ticket upang matiyak ang maayos na paglalakbay sa kanilang pagsabak sa
pambansang kumpetisyon, handa sa hamon habang bitbit ang pangalan ng bayan ng
Bayambang.
Search for Permanent BPC President,
Binuksan!
Sa ginanap na 1st Board of Trustees Meeting ng Bayambang Polytechnic College,
inanunsyo nina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña ang pagbubukas ng search for
a permanent president ng Bayambang Polytechnic College. Inanunsyo rin nila na
bukod sa libreng tuition para sa mga estudyanteng taga-Bayambang, inilibre na
rin ang kanilang graduation fees.
HEALTH
FOR ALL
-
Health (RHUs)
RHU
Birthing Home, Accredited Na!
Natanggap ng RHU Bayambang Municipal Birthing Home ang PhilHealth
accreditation para sa taong 2026. Patunay ito na pasado ang pasilidad sa
pamantayan para sa ligtas at abot-kayang serbisyong pangkalusugan, lalo na sa
mga ina at sanggol. Saklaw din nito ang Gamot Package na makapagpapagaan ng
gastusin ng mga pasyente.
Isang
Buwang IEC sa mga Barangay, Isinagawa ng RHU I
Matagumpay na naisagawa ng RHU 1 ang isang buwang health IEC campaign sa 42
barangay na umabot sa 2,669 na residente ang
nakinabang. Tinutukan nito ang rabies prevention, non-communicable
diseases tulad ng hypertension at diabetes, at pagpapalakas ng health
communication systems sa barangay level. Kasabay nito ang PhilHealth
enrollment upang masigurong mas malawak ang access ng mga mamamayan sa
serbisyong pangkalusugan.
RHU,
Tagumpay sa Annual Surveillance ng DOH!
Lumabas na ganap na compliant ang RHU 1 sa isinagawang taunang surveillance
inspection ng Regulatory, Licensing and Enforcement Division ng DOH upang
tiyakin ang pagsunod ng Birthing Facility at Clinical Laboratory ng RHU I sa
mga pamantayan sa kalusugan. Sinuri ang birthing facility at laboratoryo
kabilang ang safety, hygiene, records management, at infection control
systems. Ang finding ng compliance ay patunay ng mataas na kalidad ng
serbisyong medikal ng RHU I.
Blood Drive, Nakaipon ng 32 Blood Bags
Naging matagumpay ang mobile blood donation drive ng RHU I na ginanap sa
Brgy. Tamaro Covered Court sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross – San
Carlos City Chapter. Sa kabuuang 46 na registrants, 32 ang naging successful
donors, kaya nakapagkolekta rin ng 32 blood bags ang bloodletting activity. Dagdag-suporta ito sa pagpapanatili ng sapat na suplay
ng dugo para sa mga nangangailangan sa komunidad.
-
Nutrition (MNAO)
Top 15 Barangays sa HAPAG Project,
Sumailalim sa Validation
Isang on-site validation ng HAPAG Project ang isinagawa noong May 13 at 14 sa
mga pinaka-natatanging barangay upang matukoy ang pinakamahusay na
implementer ng programa. Sinuri ng validation team ang mga community garden,
nutrition initiatives, at sustainable gardening practices batay sa iba’t
ibang criteria tulad ng paggamit ng recyclable at organic materials, at
ornamental vegetation. Bibigyang pagkilala ang mga nanalong barangay sa
darating na Nutrition Month Culmination Day.
Year 3
ng Search for Outstanding BNC, Isinagawa!
Isinagawa
noong May 19–20 ang validation para sa ikatlong taon ng Search for Most
Outstanding Barangay Nutrition Committee sa Bayambang gamit ang evaluation
tool ng National Nutrition Council na MELLPI PRO. Masusing sinuri ng
Municipal Nutrition Committee ang mga barangay na nakabilang sa top 5 batay
sa kanilang vision at mission, mga naipatupad na polisiya at programa,
pamamahala ng Local Nutrition Committee, nutrition services, at pagbuti ng
nutritional status indicators sa kanilang komunidad.
-
Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
-
Veterinary Services (Mun. Vet.)
–
Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
-
Social Services (MSWDO, MAC)
Tatlong
Kubo, Inihatid sa mga Panibagong Benepisyaryo
Muling
naghatid ang LGU, sa tulong ng Rotary Club of Bayambang, ng mga bagong bahay
kubo para sa tatlong nailistang benepisyaryo. Sila ay sina Gng. Rhealyn Diaz
ng Brgy. Buayaen, Gng. Elizabeth Dignos ng Ligue, at Gng. Lea Honrado ng
Duera. Laking tuwa at pasasalamat ng mga nabiyayaang pamilya, dahil sila ay
nabigyan ng panibagong pag-asa sa pagkakaroon ng mas maayos na sariling
tirahan.
Adisyunal
na Kubo, Tinanggap ng 3 Pamilya
Muling naghatid ng pag-asa ang LGU, kasama ang Rotary Club of Bayambang, sa
pamamagitan ng pamamahagi ng ika-anim, -pito, at -walong bahay kubo mula sa
“Grand Ukay for a Cause” project ni Mayor Niña. Naging benepisyaryo ang
pamilya ni Gng. Annalyn E. Bato ng Brgy. Dusoc, Jovelyn A. Repiroga ng Inirangan,
at Jorelyn N. Valdez ng Carungay. Ang kubo ay may kasamang solar panels,
solar lights, at solar fan. Naging posible ang proyekto sa tulong ng personal
na donasyon ni Mayor Niña at Rotary Club, at ang kinita mula sa Grand Ukay
for a Cause.
Bagong
Social Annex Building, Pinasinayaan
Pinasinayaan
ni Mayor Niña ang bagong Social Annex Building A o Bougainvillea Building sa
Brgy. Magsaysay sa ilalim ng pangangasiwa ng MSWDO. Layunin nitong palawakin
at pagandahin ang paghahatid ng social services ng Office of the Senior
Citizens Affairs at Local Youth Development Office, at magsilbing dance
studio naman ang ikatlong palapag para sa mga kabataan.
'Ausome
Parents,' Nakatanggap ng Tulong Pinansiyal
Ang unang batch ng mga magulang na may anak na may autism spectrum condition
ay nakatanggap ng financial assistance na P1,000 kada isa para ipandagdag sa
naganap na psychiatric assessment ng kanilang mga anak. Ang tulong pinansiyal
ay inihatid ng MAC at PDAO sa tulong ni Mayor Niña.
Mga Senior Citizen, Dumalo sa Seminar ukol sa RA 9994
Isang seminar ang dinaluhan ng mga senior citizen kung saan tinalakay ang mga
karapatan, benepisyo, at legal na proteksyon ng mga senior citizen alinsunod
sa R.A. 9994. Pinangunahan ang seminar na
ito ng mga legal experts mula sa PHINMA University of Pangasinan at
Integrated Bar of the Philippines. Sa naturang aktibidad, mas napalawak ang
kaalaman ng mga nakatatanda upang mas maprotektahan ang kanilang karapatan at
maiwasan ang diskriminasyon.
1,629
TODA Members, Tumanggap ng P5,000 Fuel Subsidy
May 1,629 lehitimong miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association
ang tumanggap ng tig-₱5,000 fuel subsidy sa isang payout activity na ginanap
noong May 14. Ang nasabing subsidy ay ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan sa
tulong ng DSWD bilang agarang tulong sa mga tricycle driver na naaapektuhan
ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng digmaan sa
Middle East.
Bagong Pamunuan ng PWD Federation,
Nailuklok
Pormal na nailuklok noong May 14 ang bagong hanay ng mga opisyal ng Bayambang
Persons with Disabilities (PWD) Federation sa pangunguna ni Efren Estabaya
bilang pangulo. Nahalal din ang iba pang federation officers at district
leaders mula sa iba’t ibang barangay upang magsilbing kinatawan ng sektor ng
PWD sa buong bayan. Layunin ng bagong pamunuan na higit pang mapalakas ang
pagkakaisa at pagsusulong sa kapakanan ng mga PWD sa Bayambang.
2nd Quarter MAC Meeting, Tinalakay ang
Updates para sa 4Ps Beneficiaries
Ginanap noong May 26, ang 2nd Quarter
Municipal Advisory Council (MAC) Meeting sa pangunguna ni Municipal
Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, kung saan tinalakay ang
mga updates at accomplishments ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
sa nagdaang unang quarter, kabilang ang compliance turnout, validation ng
beneficiaries, at monitoring ng Sustainable Livelihood Program (SLP) para sa
patuloy na pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mga benepisyaryo sa bayan.
Bayanihang Bulilit, Sinimulan sa Child
Development Centers
Opisyal nang inilunsad noong May 25,
2026 ang “Bayanihang Bulilit” sa lahat ng Child Development Centers bilang
paghahanda sa pagbubukas ng klase ng Pre-K at ITED learners. Katuwang ang mga
magulang, barangay officials, at komunidad, isinasagawa ang clean-up
activities upang matiyak ang maayos at ligtas na mga pasilidad. Tumatanggap
din ang ECCD ng mga donasyong cleaning materials para sa patuloy na
pagpapanatili ng kalinisan sa mga daycare centers.
- Civil
Registry Services (LCR)
Problema
sa Birth Certificate ng mga Taga-Tococ East, Sinagot ng LCRO
Dinagsa ng mga residente ng Brgy. Tococ
East ang isinagawang programa ng Local Civil Registry Office, na direktang
naghatid sa mga malalayong barangay ng iba’t ibang civil registry services,
mula late registration ng birth, marriage, at death hanggang sa legitimation
at supplemental report. Ipinakita nito ang matinding interes ng komunidad sa
mga serbisyong sibil at legal na direktang nakatutulong sa kanilang
pang-araw-araw na buhay
Mga Serbisyong
Sibil, Direktang Inihatid sa 3 Barangay
Noong May 14, 20, at 21, sumunod
namang nagtungo ang Local Civil Registrar sa Brgy. Tococ West, Inanlorenza,
at Malimpec, upang mailapit doon ang mga serbisyong pangsibil. Nagbigay ng
mahahalagang impormasyon ang LCRO hinggil sa late registration, correction of
entries, paggamit ng apelyido ng ama, legitimation, at iba pang serbisyong
direktang nakatulong sa mga residente. Nagsagawa rin dito ng data capturing
para sa upgraded Community Service Card.
-
Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
- Youth
Development (LYDO, SK)
Mga Batang
Ballerina, Nagpakitang-Gilas sa Dance Recital
Matagumpay
na nagtapos ang unang batch ng Summer Dance Class sa pamamagitan ng isang
dance recital na ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong Mayo 26.
Ipinamalas ng mga batang ballet dancer ang kanilang talento at mga natutuhang
kasanayan sa sayaw matapos ang ilang linggong pagsasanay. Matapos ang
pagtatanghal, ginawaran sila ng Certificate of Completion bilang pagkilala sa
kanilang dedikasyon at matagumpay na pagtatapos ng programa. Si Coach Perry
Sevidal naman ay tumanggap ng sertipiko bilang pagkilala sa kanyang
mahalagang ambag sa paghubog ng mga batang mananayaw
Ballerinang Bayambangueña, Nagpamalas
ng World-Class na Performance
Nagpamalas ng world-class ballet
performance si Cassandra Venice Santos, isang Bayambangueñang ballet dancer
mula sa Barangay Inirangan, ngayong Mayo 25. Sa murang edad, kinatawan na
niya ang Pilipinas sa mga prestihiyosong dance festival sa Malaysia at South
Korea at nagwagi sa ilang international dance competitions. Nagsanay din siya
sa Vaganova Ballet Academy at Bolshoi Ballet Academy sa Russia at
kasalukuyang apprentice ng Quezon City Ballet at Halili-Cruz Dance Company.
- Peace
and Order (BPSO, PNP, DILG)
Dayalogo
para sa Pagtataguyod ng Reservist Monitoring at Disaster Volunteer Corps
Isinagawa sa Bayambang ang isang dayalogo sa pamumuno ng Philippine Army
104th Community Defense Center upang palakasin ang koordinasyon sa reservist
monitoring at disaster response initiatives. Tinalakay dito ang papel ng
focal persons sa pagmo-monitor ng aktibong reservists at pagpapadali ng
recruitment para sa Basic Citizen Military Training (BCMT). Pinag-usapan din
ang pakikipag-ugnayan sa LGUs para sa pagbuo ng Army Disaster Volunteer Corps
(ADVC) bilang suporta sa disaster preparedness at mobilisasyon.
Task
Force Disiplina, May Bagong Uniporme
Naipamahagi
ang bagong uniporme ng mga opisyales at miyembro ng Task Force Disiplina,
bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang organisasyon. Lubos namang
ikinatuwa ng mga miyembro ang pagtanggap ng bagong kasuotan na magsisilbing
pagkakakilanlan nila habang nagsasagawa ng mga operasyon at programa para sa
kapakanan ng publiko.
TODA Officers at Traffic Enforcers,
Lumahok sa Road Safety at Safe Spaces Act Seminar
Pinangunahan ng Bayambang Public
Safety Office ang isang seminar tungkol sa Road Safety at Safe Spaces Act
para sa mga TODA officer, BPSO traffic enforcer, at mga empleyado ng
Munisipyo noong Mayo 22. Tinalakay ni PMSG. Crisalyn de Villa ang Safe Spaces
Act o “Bawal Bastos Law,” habang ibinahagi naman ni Mr. Benson Resuello ng
LTO-Bayambang ang mahahalagang kaalaman sa road safety at traffic laws.
Binigyang-diin nina Atty. Rodelynn Rajini Sagarino Vidad, Municipal
Administrator at BPSO OIC, at 1Lt. Amory Junio, TFD Deputy at BPSO Chief
Operation, ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay upang mapanatili ang
kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada at pampublikong lugar sa bayan.
BPSO at Task Force Disiplina, Todo-Bantay
sa Kaayusan at Trapiko
Patuloy na pinaigting ng Bayambang
Public Safety Office (BPSO) Traffic Enforcers katuwang ang Task Force
Disiplina ang pagpapatupad ng mga batas trapiko at lokal na ordinansa upang
mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa bayan ng Bayambang. Kabilang sa mahigpit
na ipinatutupad ang tamang paradahan, pagsusuot ng helmet, pagbabawal sa
obstruction sa kalsada, at pagsunod sa traffic signs at signal, kasabay ng
pagbibigay ng traffic at security assistance sa iba’t ibang pampubliko at
pribadong establisimyento sa bayan.
AGRICULTURAL
MODERNIZATION - (MAO)
₱20/Kilo na
Repolyo mula Benguet, Dinumog ng mga Mamimili
Noong Mayo 28,
2026, matagumpay na isinagawa ng Munisipyo ang bentahan ng murang repolyo
mula sa mga magsasaka ng Benguet sa harap ng Municipal Hall (Legislative
Building), kung saan ibinenta ito sa halagang ₱20.00 kada kilo.
Ang inisyatibo ay
bahagi ng pagtugon sa epekto ng krisis sa gasolina at El Niño, na naglalayong
makatulong sa mga magsasaka at magbigay sa mamamayan ng abot-kayang gulay,
kasabay ng pagpapakita ng diwa ng bayanihan sa komunidad.
JOBS
AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood
and Employment (PESO, BPRAT)
SPES Students, Idineploy sa LGU
Labintatlong kabataan ang naging unang
batch ng mga bagong benepisyaryo ng Special Program for Employment of
Students program ng DOLE, at pormal silang ipinakilala sa tanggapan ni Mayor
Niña. Ayon sa PESO, nakadeploy na ang unang batch sa iba’t ibang tanggapan
habang inihahanda pa ang mga dokumento ng susunod na labindalawang
benepisyaryo.
Job Fair para sa Local at Overseas
Employment, Mayroong 39 HOTS
Noong May 28, nagkaroon ng Job Fair
para sa Local and Overseas Employment ang PESO Bayambang, katuwang ang iba’t
ibang kumpanya at partner agencies, na nagbukas ng iba’t ibang oportunidad sa
trabaho para sa mga Bayambangueño. Kabilang sa mga lumahok na kumpanya ang SM
Hypermarket Rosales, Sutherland Global Services, Alfamart, Wheeltek, AILC,
Blue Sky Theme Park and Events Center, at Julius K. Quiambao Medical and
Wellness Center Inc. (JKQMWCI), habang mayroong 39 hired on the spot (HOTS)
ang nasabing aktibidad.
- Economic
Development (SEE)
Mang
Inasal, Nag-exploratory Visit
Bumisita
ang mga kinatawan ng Mang Inasal noong May 11 upang makipagpulong kay Mayor
Niña kaugnay ng posibilidad ng pagbubukas ng franchise sa BYB Metro o iba
pang posibleng lokasyon sa bayan ng Bayambang. Sinamahan ang mga bisita ni
SEE head, Atty. Justine Alvarez, sa tanggapan ng alkalde
Nalsian
Sur Talipapa Vendors, Ginabayan sa Requirements upang Maging Legal ang
Operasyon
Noong May 14, pinulong ng LGU ang mga vendor ng talipapa sa Nalsian Sur upang
pag-usapan ang tungkol sa business permit at mga kinakailangang dokumento
gaya ng Affidavit of Undertaking para maging legal o compliant sa batas ang
operasyon ng kani-kanilang negosyo. Dumalo sa pagpupulong ang mga concerned
department head sa pangunguna ng BPLO kasama si Punong Barangay Martin Delfin
sa Nalsian Sur Barangay Hall.
Municipal Bonery, Nilinis
Matagumpay na natapos ng SEE staff ang paglilinis at clearing operations sa
Bonery area ng Public Cemetery. Patuloy namang pinananatili ang kaayusan at
kalinisan ng nasabing pasilidad.
Problema
ng School Supply Vendors, Agad Inaksyunan
Noong
May 20, pinulong ng Public Market ang mga school supply vendors upang agarang
matugunan ang kanilang mga hinaing kaugnay ng patuloy na pag-ulan na
nagdudulot ng suliranin sa kanilang hanapbuhay. Dahil sa problema sa
tubig-ulan, nababasa ang kanilang mga panindang supply kaya’t nahihirapan
silang magbenta. Kaya
naman sa pagpupulong, bumuo ng plano para sa agarang solusyon.
- Cooperative Development (MCDO)
4,104 Coconut Seedlings, Ipinamahagi ng PCA sa Managos
Sa tulong ng M.C.D.O., namahagi ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng
4,104 na piraso ng coconut seedlings sa mga miyembro ng Managos Farmers
Agriculture Cooperative. Tinuruan din ng PCA ang mga miyembro ng kooperatiba
ng tamang pagtatanim at wastong pangangalaga sa mga ito upang tumubo ng
maayos at mamunga ng sagana.
- Tourism,
Culture, and Arts (MTICAO)
Bayambang, Nag-host ng Distinguished Gentleman’s Ride 2026
Matagumpay na naging host ang bayan ng Bayambang sa culmination at solidarity
meeting ng “Distinguished Gentleman’s Ride 2026” noong May 17, sa St. Vincent
Ferrer Prayer Park sa pangunguna ng MTICAO. Naging panauhing pandangal si
Mayor Niña, na nirepresenta ni Councilor Jocelyn Espejo. Dinaluhan ang
aktibidad ng daan-daang riders mula sa iba’t ibang motorcycle groups sa
Pangasinan at Tarlac bilang bahagi ng pandaigdigang ride para sa adbokasiya
ng men’s health at mental health awareness.
- Infrastructure
Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
DISASTER
RESILIENCE - (MDRRMO)
MDRRMO,
Nagbigay ng Basic Life Support Lecture
Nagdaos
ang MDRRMO ng Basic Life Support lecture para sa ROTC cadets ng
PSU-Bayambang. Layunin nitong palakasin ang kakayahan ng mga estudyante sa
pagresponde sa emerhensiya sa pamamagitan ng lectures at hands-on training
tulad ng CPR.
Mga
OJT, Nagsanay sa First Aid
Nagsagawa
ang MDRRMO ng lecture at demonstration sa first aid para sa mga OJT noong May
5 sa Wawa Evacuation Center. Sa pagbahagi ng mahahalagang kaalaman sa
pangunang lunas, pinapalakas nito ang kakayahan ng kabataan sa agarang
pagresponde sa emerhensiya at maging katulong sa komunidad.
Clearing
Operation, Isinagawa sa Malioer
Sa abiso ng Bureau of Fire Protection, agad na nagsagawa ng clearing
operation ang MDRRMO sa Brgy. Malioer noong May 6 matapos tamaan ng kidlat
ang dalawang puno ng niyog doon. Gamit ang chainsaw, tinanggal ang mga
napinsalang puno upang maiwasan ang panganib sa mga residente.
IEC sa Kahandaan sa Sakuna, Isinagawa sa mga Barangay
Pinalawak ng MDRRMO ang information-education campaign nito sa kahandaan sa
sakuna sa Brgy. Manambong Sur noong May 5 at Amancosiling Sur noong May 6.
Tinalakay ang go-bag, family emergency plan, at mga hakbang bago, habang, at
pagkatapos ng sakuna, upang patibayin ang kamalayan at kahandaan ng bawat
mamamayan sa lebel ng barangay.
MDRRMC, Agarang Umksyon para sa Kaligtasan ng Publiko
A. Agad na rumesponde ang MDRRMC Bayambang sa iba’t ibang operasyon para sa
kaligtasan ng mamamayan noong May 12 to 13. Kabilang dito ang pag-aalis ng
mga tuyot na punong posibleng panganib sa luamng campus ng Bayambang Central
School.
B. Sumunod dito ay ang pagpapalit ng sirang streetlight upang
mapanatili ang kaligtasan sa mga pampublikong lugar sa Brgy. Bani.
C.
At sa request ng Tourism Office, nagbigay rin sila ng standby medical at
security assistance para sa Tour of Luzon 2026 bilang suporta sa malakihang
event.
MDRRMO, Naglakbay-Aral sa San Roque Dam
Nagsagawa ng technical visit ang
MDRRMO sa San Roque Multipurpose Project sa bayan ng San Nicolas at San
Manuel, Pangasinan, upang mapalawak ang kanilang kaalaman hinggil sa flood
control, disaster risk reduction, at power generation ng pasilidad. Tinalakay
sa pagbisita ang mahahalagang operasyon kabilang ang irrigation system, flood
control, power generation, water quality management, at safety features ng
San Roque Dam. Ipinakita rin ang iba’t ibang technical features ng dam tulad
ng hydrology system, reservoir, spillway, generators, atbp.
MDRRMC,
Nag-alerto para sa Ligtas at Maayos na Summer Vacation
Mula
noong Abril 1 hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasagawa ng roving at
monitoring ng MDRRMC sa 5 resorts at 36 barangays na dinadaanan ng Agno River
sa bayan ng Bayambang bilang bahagi ng aktibidad para sa Ligtas na Summer
Vacation 2026. Sa utos ni Mayor Niña katuwang ang MDRRMO at buong barangay
DRRM frontliners, nagsasagawa ng dalawang beses na roving at monitoring sa
ating kailugan, kalsada, at kapaligiran araw-araw upang matiyak ang
kaligtasan at kaayusan sa mga lugar na dinarayo ngayong tag-init.
HONEST
& EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Mga
Serbisyo ng Municipio, Dinala sa Sanlibo
Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 ay sumunod na nagtungo naman sa
Catalino Castañeda Elementary School upang paglingkuran at hatiran ng
serbisyo ang mga residente ng Brgy. Sanlibo, Idong, at Inanlorenza. Gaya ng dati, hindi mga
residente ang lumapit sa gobyerno; sa halip ay ang gobyerno ang bumaba sa
kanilang barangay, kung saan ___ na residente ang nakinabang. Dahil sa diwa
ng KSB, ang tunay na serbisyo ay inklusibo, nakikita, at higit sa
lahat—nadarama.
Mga Serbisyong Sibil, Dinala sa Langiran
Isinagawa sa Barangay Langiran ang “Your Name, Your Right” na naglalayong
dalhin sa malalayong barangay ang iba’t ibang civil registration services at
palakasin ang kamalayan ng mamamayan sa kanilang legal na pagkakakilanlan.
Tinalakay ang kahalagahan ng maayos na dokumento para sa edukasyon,
seguridad, at oportunidad, habang isinagawa rin ang mobile registration
services.
RPVARA Tax Amnesty Program, Bukas Pa
sa Taxpayers Hanggang July 5, 2026
Pinaaalalahanan ng Municipal Treasury Office ang lahat ng taxpayers na maaari
pang makapag-avail ng RPVARA Tax Amnesty Program hanggang July 5, 2026.
Sa ilalim ng programa, maaaring maalis ang penalties, surcharges, at interes
sa hindi nabayarang Real Property Tax para sa mga obligasyong naipon bago ang
July 5, 2024.
Para sa iba pang detalye, maaaring bumisita sa Municipal Treasury Office
tuwing Lunes hanggang Huwebes, mula 7:00 A.M. hanggang 6:00 P.M o tumawag sa
(075) 633-1000.
COA Exit Conference, Ginanap
Nagsagawa ang Commission on Audit
(COA) ng exit conference noong Mayo 26, 2026 sa Mayor’s Conference Room
bilang bahagi ng preparasyon para sa Annual Audit Report kaugnay ng mga
transaksyon ng LGU Bayambang para sa Calendar Year 2025. Tinalakay sa
pagpupulong ang iba’t ibang audit observations, recommendations, at status ng
implementasyon ng mga naunang rekomendasyon ng COA, kasama ang pagdalo ng mga
concerned department heads ng munisipyo upang tugunan ang mga usapin sa
financial management at operasyon ng LGU.
KSB Year 9, Inihandog sa Brgy. Tampog
Muling inilapit ng lokal na pamahalaan
ang mga pangunahing serbisyo sa pamamagitan ng Komprehensibong Serbisyo sa
Bayan (KSB) Year 9 na isinagawa sa Tampog Elementary School para sa mga
residente ng Brgy. Tampog, San Vicente, at Warding noong Mayo 26, 2026. Sa
naturang programa, naipagkaloob ang iba’t ibang serbisyong medikal, legal, at
social assistance para sa mga residente, na umabot sa kabuuang ₱123,284 na
halaga ng serbisyong naihandog sa mga benepisyaryo.
- Planning
and Development (MPDO)
Bagong MPDC, Itinalaga
Itinalaga si Environmental Planner Ryan James Nicholai Dizon bilang bagong
Municipal Planning and Development Coordinator ng Bayambang. May malawak
siyang karanasan sa urban planning at inaasahang mangunguna sa mga programang
pangkaunlaran ng bayan.
Mga Programa, Pondo, at Development
Plans ng Bayan, Tinalakay sa MDC Meeting
Sa ginanap na Municipal Development Council Meeting, tinalakay ang
implementasyon ng mga programa at paggamit ng pondo ng bayan, kabilang ang
2026 Annual Investment Program, 20% Development Fund, budget utilization at
fund performance, at pag-apruba sa Supplemental Investment Program No. 3 para
sa taong 2026, na inaasahang magsisilbing dagdag na hakbang upang
masuportahan ang mga prayoridad na proyekto at pangangailangan ng iba’t ibang
sektor sa bayan.
ARTA,
Nagsagawa ng Monitoring Inspection sa LGU Bayambang
Noong
May 25, nagsagawa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) Northern Luzon Regional
Field Office ng monitoring inspection sa mga opisina at departamento ng LGU
Bayambang upang suriin ang pagsunod nito sa mga probisyon ng Ease of Doing
Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Kabilang
sa mga sinuri ang pagpapatupad ng Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS),
Citizens' Charter, Public Assistance and Complaints Desk (PACD), at iba pang
programang naglalayong mapabilis at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo
publiko sa mga mamamayan.
- Legal
Services (MLO)
- ICT
Services (ICTO)
Makabagong Sistema ng Document Disposition, Tinalakay
Nagtipun-tipon noong Mayo 12, 2026 ang mga
department head, Document Control Custodian, at Internal Quality Auditor sa
isang pulong na inorganisa ng ICT Office upang talakayin ang Modernized
Document Management System ng LGU. Tinalakay rin ang bagong Records Disposition
Schedule bilang gabay sa wastong pag-archive at pag-dispose ng mga dokumento
alinsunod sa batas, bilang bahagi ng layunin na mas mapabilis ang pagproseso
ng mga papeles at dokumento ng Munisipyo.
Mga
Usaping IT at AI, Tinalakay
Noong May 13, sa 2nd Quarter meeting ng IT Technical Working Group, tinalakay
ang pagpapalakas ng mga ICT service at digital coordination sa lokal na
pamahalaan. Kabilang sa mga naging paksa ang basic internet troubleshooting
at basic AI prompting bilang bahagi ng layunin ng LGU na mapahusay ang
kaalaman ng mga kawani at maisulong ang modernisasyon para sa mas episyenteng
serbisyo publiko.
Mas Modernong HR System, Inilunsad sa LGU sa
Pamamagitan ng IHRIS
Nagsagawa ang
ICT Office, noong ika-25 ng Mayo 2026 ng isang orientation para sa Modernized
Document Management System (MDMS) at Integrated Human Resource Information
System (IHRIS) upang maging pamilyar ang mga empleyado sa mga features at
tamang paggamit ng mga makabagong sistema, na makasisiguro sa mas mabilis at
epektibong operasyon sa loob ng LGU.
Kasalukuyan na
ring nire-rehistro ng ICT Office ang lahat ng empleyado sa IHRIS bilang
bahagi ng digitalization program ng LGU. Layunin
nitong mapabilis at ma-automate ang mga proseso sa human resource management
gamit ang database-driven decision making at integrated PRIME-HRM processes.
QMS
Orientation at Re-Orientation para sa mga LGU Employees, Isinagawa
Bilang
paghahanda sa nalalapit na ISO 9001:2015 Recertification Audit sa Hulyo 2026,
nagsagawa ang LGU Bayambang ng QMS Orientation para sa mga bagong empleyado
noong Mayo 26 sa Balon Bayambang Events Center. Pinangunahan ni Mr. Ricky V.
Bulalakaw, Overall Document Control Custodian, ang pagpupulong kung saan
tinalakay ang kahalagahan ng Quality Management System (QMS), risk
management, at iba pang preparasyon upang mapanatili ang mataas na kalidad ng
serbisyo publiko sa lokal na pamahalaan.
- Human
Resource Management (HRMO)
Social Dance Workshop para sa mga
Empleyado ng LGU, Nagsimula Na
Pormal nang nagsimula ang Social Dance
Workshop para sa mga empleyado ng munisipyo noong May 21, sa Dance Studio ng
Social Annex Building A – Bougainvillea Building, kung saan tampok ang
cha-cha, ballroom, boogie, rumba, at salsa. Ang workshop ay isasagawa tuwing
Huwebes mula alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng hapon at bukas sa lahat ng
empleyado.
- Transparency/Public
Information (PIO)
-
Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS
AND RECOGNITIONS
LGU, Muling Umani ng Parangal
mula sa PhALGA
Muling binigyan ng Excellence Award ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng
Accounting Office, sa ginanap na na 21st Annual National Conference of the
Philippine Association of Local Government Accountants o PhALGA sa Dapitan
City, Zamboanga del Norte. Nirepresenta si Mayor Niña sa nasabing parangal ni
Municipal Accountant Flexner de Vera, isang pagkilala sa mahusay at maayos na
pamamahala sa lahat ng transaksyon kaugnay ng pananalapi ng bayan.
LEGISLATIVE
ENACTMENTS - (SB)
Panukalang Ordinansa para sa Barangay OSCA Coordinators, Dininig
Tinalakay ng Sangguniang Bayan ang ordinansang
magtatatag ng OSCA coordinators sa bawat barangay upang mapalakas ang
serbisyo para sa mga senior citizen. Suportado
ito ng alkalde at inaasahang magpapabilis ng koordinasyon at benepisyo
alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act. Inaasahang magdudulot ito ng mas
organisado at epektibong paghahatid ng tulong sa mga nakatatanda.
|