BAYAMBANGUENEWS – MONDAY REPORT - DECEMBER 15, 2025
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1. Magandang araw, Bayambangueños! Ako po si _____________ mula sa _______________ Office.
2. At ako naman po si ________________ ng _______________ Office.
1. Tampok namin ang mahahalagang kaganapan at serbisyong hatid ng inyong gobyernong lokal sa nakalipas na linggo.
2. Narito ang mga balitang dapat ninyong malaman.
1&2. SABAY: Ito ang... BayambangueNews!
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1. Medical Mission sa Paragos, Isinagawa
Isang medical mission noong December 7 sa Brgy. Paragos ang pinangunahan ng Bayambang Royalty Matikas Eagles Club, kasama ang Gabriel Medical Clinic, Gabs Pharmacy Cooperative Store, at MNAO. Naghandog ang grupo ng libreng medical check-up, basic laboratory services, gamot, at feeding activity para sa mga bata at mga dumalo. Maraming residente ang nakinabang sa naging ugnayang ito sa komunidad.
2. MDRRMO, Nag-inspeksyon sa Wawa Evacuation Center Access Road
Ang MDRRMO ay nag-inspeksyon sa ongoing na slope protection at access road projects sa Wawa Evacuation Center upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng konstruksyon. Ang proyekto ay agarang ipinatupad matapos masira ang bahagi ng lugar dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong Crising. Patuloy na binabantayan ng MDRRMO at Engineering Office ang progreso upang maiwasan ang karagdagang panganib sa mga residente roon.
3. MTICAO, Umattend sa Capacity-Building ng DILG
Dumalo ang MTICAO sa capacity-building activity ng DILG sa Lingayen noong December 5 para sa pagdodokumento ng LGU best practices. Tinalakay sa programa ang pagpaplano, real-time documentation, at pagsusukat ng epekto ng mga best practices para sa policy change. Inaasahang higit na mapapabuti ng MTICAO ang kanilang mga programa gamit ang mga natutunang kaalaman.
4. Task Force Disiplina, Nagpulong
Nagpulong ang Task Force Disiplina noong December 4 upang talakayin ang e-bike at e-trike registration, violation fees, at iba pang isyung pang-disiplina sa bayan. Nagbigay-linaw ang LTO-Bayambang sa pagkakaiba ng kanilang mga multa at inihayag ang planong pagsagawa ng informational videos ukol sa mga traffic violation. Tinalakay din ang operasyon ng talipapa vendors at isinumite ng mga miyembro ang kanilang 2026 programs, projects, and activities.
5. Career Development Program, Inilunsad ng PESO sa Ambayat IS
Ang PESO ay naglunsad ng isang Career Development and Support Program para sa mga estudyante, at ito ay kanilang sinimulan sa Ambayat Integrated School noong December 2. Tinalakay nina SLEO Gernalyn Santos at kanyang staff ang tamang pagpili ng karera, pagtukoy ng skills at passion, at wastong asal sa workplace. Nakatakdang palawakin pa ng PESO ang ganitong programa sa mga kabataan.
6. RHU I, Nag-refresher Course sa Standard First Aid at Basic Life Support
Ang mga kawani ng RHU I ay matagumpay na nagsipagtapos ng Standard First Aid at Basic Life Support refresher training sa loob ng tatlong araw sa tulong ng Philippine Red Cross–San Carlos Chapter. Muling na-certify ang mga kalahok bilang first aiders at CPR providers matapos muling sumailalim sa kasanayan sa pagresponde sa iba’t ibang emergency situation. Ang training na ginanap noong December 5-7 sa Bauang, La Union ay nagpapanatili ng mataas na antas ng kahandaan ng RHU I para sa kaligtasan ng komunidad.
7. Joint 4Q Meeting, Isinagawa ng LCPC, LCAT-VAWC, MAC
Isinagawa noong December 11 ang Joint 4th quarter meeting ng LCPC, LCAT-VAWC, at MAC, kung saan tinalakay ang 3rd quarter accomplishments at ang mga plano para sa unang quarter ng 2026. Ibinahagi ng mga council at ng iba’t ibang departamento ng LGU ang mga updates hinggil sa 4Ps, Sustainable Livelihood Program, at iba pang serbisyong panlipunan. Nagkaroon din ng deliberasyon sa mga isyu at concern ng mga benepisyaryo upang higit pang mapabuti ang implementasyon ng mga programa sa komunidad.
8. IT Procedures at Cybersecurity, Tinalakay sa IT-TWG Meeting
Sa 4th quarter meeting ng IT-Technical Working Group noong December 11, nagbigay ang ICT Office ng mahahalagang paalala sa tamang paggamit ng IT resources ng LGU, upang mapalakas ang kaalaman ng mga tanggapan sa IT procedures at cybersecurity. Inilahad dito ang mga paksa tulad ng telephone reminders, Network Attached Storage o NAS, IT service request at repair procedures, troubleshooting, client feedback, at cybersecurity awareness.
9. GAD Database 2024, Tinalakay sa Pulong
Sa 2nd semestral meeting ng GAD Monitoring and Evaluation Team, nagkaroon ng final presentation ng GAD Database 2024 bilang gabay sa mas sistematikong dokumentasyon ng gender-responsive programs ng LGU. Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng datos sa pagpaplano, monitoring, at pagbuo ng inklusibong mga proyekto at serbisyo. Tinalakay rin ang obserbasyon at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang implementasyon ng mga GAD initiatives ng bayan.
10. DSWD-R1, Bumisita at Nag-monitor sa mga CDC at sa MNAO
Bumisita ang DSWD Field Office I sa Bayambang uapng imonitor ang naging implementasyon ng ika-15 cycle ng 2025 Supplementary Feeding Program. Mula November 17 hanggang December 12, personal nilang sinuri ang ilang piling Child Development Centers, upang makakalap ng feedback at ma-verify ang datos ng mga benepisyaryo. Pinuntahan din ng team ang Nutrition Office upang talakayin ang best practices nito, at nagsagawa rin ng Nutrition Education session para sa mga magulang.
11. LSB, Muling Namahagi ng Office Supplies at Equipment
Muling namahagi ang Local School Board ng iba’t ibang office supplies at IT equipment sa DepEd bilang suporta sa mas mahusay na paghahatid ng edukasyon. Ang DepEd Bayambang I ay tumanggap ng mga office supplies, dalawang laptop, at dalawang printer. Ang DepEd Bayambang II naman ay tumanggap ng isang printer, samantalang ang Don Teofilo C. Mataban Memorial School ay binigyan ng isang photocopier machine.
12. Coordination Meeting, Idinaos para sa Oral Health Month 2026
Pinangunahan nina Dr. Dave Francis Junio at Dr. Alma Bandong ng RHU ang coordination meeting kasama ang iba’t ibang partner agencies para sa Oral Health Month Celebration 2026. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa PDA Pangasinan, Colgate-Palmolive, DOH, JKQ Medical & Wellness Center, at iba pang lokal na opisina tulad ng MNAO, MTICAO, at CDC cluster heads. Inaasahan ang isang malaking selebrasyon sa darating na Pebrero na maghahatid ng makabuluhang aktibidad para sa mas malusog na ngiti ng mga Bayambangueño.
13. Friaz, Muling Inihalal bilang Presidente
Matiwasay na isinagawa ang Child Development Workers Federation Meeting cum Election of Officers ng Bayambang Chapter upang talakayin ang mga programa para sa ECCD at pumili ng bagong pamunuan. Muling inihalal si Madam Estherly N. Friaz ng Barangay Zone V bilang Federation President, kasama ang iba pang bagong opisyal na tutulong sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa CDWs. Nagpahayag ng pasasalamat si Friaz at nangakong paiigtingin ang serbisyo at koordinasyon para sa kapakanan ng mga batang Bayambangueño.
14. LCRO, sa Nalsian Norte naman Nag-info Drive
Ang Local Civil Registry Office ay sumunod naman na nagsagawa ng information campaign sa Brgy. Nalsian Norte upang ituro ang wastong proseso ng civil registration at ipaalam ang mga bagong alituntunin ng PSA. Dinaluhan ito ng mga guro, magulang, at lokal na opisyal, habang tinalakay at tinugunan ng LCRO ang iba’t ibang katanungan at concern ng mga residente. Naghandog din ang LCRO ng iba’t ibang serbisyo tulad ng late registration, correction of entries, legitimation, at libreng mass wedding application.
FOR VO
15. 3Q at 4Q Social Pension ng mga Indigent Senior Citizens, Naipamahagi Na!
Matagumpay na naipamahagi sa mahigit 3,000 indigent senior citizens ang kanilang 3rd at 4th quarter social pension mula sa DSWD. Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng P6,000 na malaking tulong para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ginanap ang payout sa pagtutulungan ng OSCA, MSWDO, at Treasury Office.
16. Knot-Tying at First Aid, Itinuro ng MDRRMO sa Tampog ES
Nagsagawa ang MDRRMO ng knot tying at basic first aid training para sa mga mag-aaral ng Tampog Elementary School bilang bahagi ng kanilang backyard camping. Namahagi rin sila ng mga hard hat at 3-in-1 whistle, flashlight, at ballpen para sa karagdagang proteksiyon. Sa aktibidad na ito, sinanay mga ang mga bata sa tamang pagtugon sa sakuna at natulungang mapalakas ang kultura ng kahandaan.
17. MDRRMO, Nagturo ng CBDRRM, CCA, at Basic First Aid sa NHA
Ang MDRRMO ay nagbigay ng isang pagsasanay sa CBDRRM o Community-Based Disaster Risk Reduction and Management, climate change adaptation, at basic first aid para sa mga benepisyaryo ng housing program ng National Housing Authority. Layunin ng programa na mapalakas ang kahandaan ng komunidad sa panahon ng sakuna. Bahagi ito ng patuloy na adbokasiya ng MDRRMO na gawing mas ligtas at matatag ang mga residente.
18. MDRRMO, Tumulong sa Research ng BCC Students
Ang MDRRMO ay nagbigay ng isang technical briefing sa mga B.S. ICT students ng Binalatongan Community College para sa kanilang Capstone Project tungkol sa Bayambang Disaster Impact Data Collection and Analytics System. Tinalakay sa session ang kasalukuyang data flow, operational practices, at challenges sa disaster management. Ipinakita ng kolaborasyong ito ang suporta ng MDRRMO sa makabagong solusyon at paghubog sa mga kabataang innovator.
19. 4Q Meeting ng mga DCC, Ginanap
Sa 4th Quarter Meeting ng mga Document Control Custodian (DCC), tinalakay sa pulong ang kahalagahan ng maagap at wastong pagsusumite ng mga iba't ibang dokumentadong impormasyon upang mapanatili ang episyenteng proseso sa LGU. Nagbigay rin ng paunang talakayan hinggil sa Records and Archives Management bilang paghahanda sa ibayong pagpapahusay ng pangangalaga at organisasyon ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaang lokal.
20. Buong Health Department, Umani ng Parangal sa Gawad Kalusugan 2025
Ang buong health department ng LGU ay umani ng limang parangal, sa idinaos na Gawad Kalusugan 2025 ng DOH Region I noong December 11 sa San Fernando City, La Union. Ito ay ang Newborn Screening Exemplary Award at pagiging Best Implementer ng Safe Motherhood Program, Nutrition Program, Food and Waterborne Diseases Program, at Integrated Clinic Information System.
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Masamang Epekto ng Sobrang Carbs at Sugar
Bayambang, dapat alam mo!
Ikaw ba ay mahilig mag-diet ngunit parang walang epekto?
Marami ang nagtataka kung bakit tila walang epekto ang kanilang pagda-diet kahit pa hindi na kumakain ng kanin.
Ang hindi alam ng karamihan: Hindi naman kanin lang ang dahilan. Bukod sa sedentary lifestyle, ang tunay na salarin sa paglobo ng timbang ay ang sobrang carbs gaya ng tinapay o pasta, at lalung-lalo na ang SOBRANG ASUKAL.
Oo, ito ang “top secret” sa epektibong pagbabawas ng timbang—isang sikreto na dapat alam ng bawat Bayambangueño!
Ayon sa mga nutrition expert, mabilis maipon bilang taba ang sobrang asukal sa katawan, lalo na kung galing ito sa matatamis na inumin, dessert, processed foods, at pati mga tinapay o snack na akala natin ay “light” lamang. Kapag mataas ang sugar intake, tumataas ang blood sugar, bumibilis ang gutom, at mas lalo tayong naghahanap ng pagkain—kaya hirap makontrol ang timbang.
Kaya naman, kahit umiwas ka sa kanin pero tuloy pa rin ang pag-inom ng milk tea, softdrinks, sweetened coffee, o pagkain ng cake at matatamis na tinapay, mawawala ang saysay ng iyong diet. Tandaan: mas malakas ang epekto ng asukal sa timbang kaysa sa kanin kung parehong sobra ang konsumo.
Kaya Bayambang, Dapat Alam Mo:
✔️ Piliin ang tubig kaysa matatamis na inumin
✔️ Bawasan ang dessert at processed snacks
✔️ Mas pumili ng whole foods kaysa sugar-heavy na pagkain
✔️ At higit sa lahat, tandaan na ang pangunahing susi sa pagpapapayat ay ang pagkontrol sa carbs at asukal
Malapit na naman ang panahon ng noche buena, kaya't siguradong mmapapakain na naman ang lahat ng maraming masasarap na pagkain.
Kung din ito maiiwasan, subukan niyo ang tinatawag na portion control. O di kaya ay isabay ang sugar sa mga food items na mataas sa good fats at protein upang mapabagal ang pagbulusok pataas ng blood sugar. Iwasan din ang pagkain ng matatamis kung gabi na.
Sa pagsunod nito, mas madali mong maaabot ang healthy na pangangatawan at maiiwasan ang obesity, diabetes, at iba pang sakit. Tandaan, ang tamang impormasyon ay sandata — kaya iwasan na ang sobrang carbs at sobrang matatamis para sa mas malusog na Bayambang!
Ang lahat ng ito Bayambang, ay Dapat Alam Mo!
***
[SMILE, VOLUME, ENERGY!]
1. At iyan ang kabuuan ng ating mga balita ngayong Lunes. Muli ako po si ____ ng _________ Office.
2. At ako naman po si _____________ ng ____________ Office.
1. Patuloy ninyo kaming subaybayan para sa mga susunod pang kaganapan at serbisyong hatid ng ating pamahalaang lokal.
2. Para sa mas progresibong Bayambang...
1&2. SABAY: Ito ang... BayambangueNews!